Home NATIONWIDE Publiko pinaalalahanan ng DBM vs pekeng SRI circular

Publiko pinaalalahanan ng DBM vs pekeng SRI circular

2
0

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko, lalo na ang mga government employees, na huwag basta maniwala o mag-share ng mga kumakalat na post tungkol sa FY 2026 Service Recognition Incentive (SRI).

Sa isang kalatas, nilinaw ng DBM na ang kumakalat na larawan ng isang dokumentong nagpapanggap na opisyal na DBM Budget Circular para sa FY 2026 SRI, na may binabanggit na Administrative Order (AO) No. 40 na may petsang November 11, 2026 ay hindi opisyal na DBM issuance.

At para malinaw, sinabi ng departamento na ang AO No. 40 ay inilabas noong December 11, 2025 at may kaugnayan sa FY 2025 SRI. Hindi ito bagong kautusan para sa FY 2026.

“Nauunawaan ng DBM na maraming government employees ang naghihintay ng balita tungkol sa SRI. Kaya mahalagang tama at beripikado ang impormasyong nakakarating sa lahat,” ayon sa DBM.

“Magbibigay kami ng update tungkol sa FY 2026 SRI sa sandaling mayroon nang kumpirmadong impormasyon na maaari nang ilabas,” ang sinabi pa rin ng DBM.

Kaya ang paalala ng DBM sa lahat ay huwag agad maniwala sa mga screenshot o dokumentong walang opisyal na kumpirmasyon, iwasang mag-share o magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon upang hindi makapagdulot ng kalituhan at maling pag-asa at mangyaring abangan ang mga opisyal na anunsyo sa DBM website at verified social media pages. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here