Home METRO 60-anyos wanted sa kasong murder sa Bulacan, arestado sa Valenzuela

60-anyos wanted sa kasong murder sa Bulacan, arestado sa Valenzuela

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 60-anyos na lalaki na wanted sa kasong murder sa Malolos City, Bulacan matapos matunton ng pulisya sa kaniyang tinutuluyan sa Barangay Bignay, Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ng Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang Valenzuela City Police hinggil sa kinaroroonan ng akusado na nagtatrabaho bilang dispatcher.

Nagsagawa ng joint operation ang Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section, katuwang ang Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company at Pampanga Police Provincial Office.

Nasakote ang akusado dakong alas-5:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 sa Malolos City noong Hunyo 23, 2026. Walang inirekomendang piyansa ang korte.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility ng Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Ayon kay NPD Director Police Brigadier General Benliner Capili, patuloy na pinaiigting ng kanilang tanggapan ang paghahanap sa mga wanted na indibidwal upang maiharap sa hukuman ang mga nahaharap sa mabibigat na kaso. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here