ALBAY, Philippines – Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy nitong pag-aalboroto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Nobyembre 24.
Sa ulat ng Phivolcs, dalawang volcanic earthquake ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga nito at pamamaga ng bulkan.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ), gayundin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava at bato, pag-agos ng lava, katamtamang pagsabog at pagdaloy ng lahar kapag may malakas na pag-ulan. Santi Celario