Manila, Philippines – Totoong nasa huli ang pagsisisi.
Ito ngayon ang nararamdaman ni Xander Ford matapos maglabas ng open letter tungkol kay Kathryn Bernardo.
Inamin ni Xander na nagpauto siya sa isang tao kapalit ang halagang P5k para siraan at laitin ang Kapamilya actress.
Sa post niya sa Facebook, humingi ng dispensa si Xander sa kanyang ginawa.
Labis daw niya itong pinagsisisihan.
Dahil malapit na daw ang Pasko’t Bagong Taon, Xander wrote na hiling niya’y magkaroon sana sila ni Kathryn ng pagkakataong magsama sa isang palabas.
Sana’y makausap din niya ito.
Inihingi din ni Xander ng tawad ang kanyang ginawa noong bata pa siya–‘yun nga ang nagpauto siya para gawan ng masama ito in exchange for P5,000.
Hindi daw niya inakala ang magiging epekto nito sa buhay niya.
Wala naman daw ‘yon sa kanyang intensyon.
It’s not Xander’s plea that Kathryn forget about what he did to her, nais lang daw niyang humingi ng tawad nang personal at ipakita ang kanyang respeto sa aktres.
Sa bandang huli’y kung tatanungin ang mga fans ni Kathryn ay may pahabol pang “pang-eeklay” si Xander.