Home NATIONWIDE #WalangPasok sa ilang paaralan sa Biyernes, Nobyembre 27

#WalangPasok sa ilang paaralan sa Biyernes, Nobyembre 27

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa sa Biyernes, Nobyembre 27, kaugnay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng mga lokalidad at iba pang kadahilanan.

Batay sa mga anunsyo ng mga kinauukulang awtoridad, kabilang sa mga lugar at paaralang apektado ang sumusunod:

-Baggao, Cagayan – Walang pasok kaugnay ng paggunita sa ika-130 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan. Idineklara itong special non-working day.

-Burgos, La Union – Idineklara ring special non-working day bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-101 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan.

-Philippine Science High School (PSHS) Calabarzon Campus, Batangas City – Ipatutupad ang online learning mula Nobyembre 26 hanggang 27 matapos makaranas ng flu-like symptoms ang ilang estudyante.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang at guro na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at mga paaralan para sa karagdagang abiso kaugnay ng suspensiyon ng klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here