Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR, maliit posibilidad maging bagyo – PAGASA

LPA sa labas ng PAR, maliit posibilidad maging bagyo – PAGASA

2
0

MANILA, Philippines – Maliit ang posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at maging isang ganap na bagyo ang namataang low-pressure area (LPA) malapit sa Palawan sa susunod na tatlong araw, ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Nobyembre 26.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA 11b may 455 kilometro sa timog-kanluran ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan, dakong alas-8 ng umaga.

Kumikilos ito patungong kanluran at palayo sa bansa.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na mababa ang posibilidad na pumasok sa PAR ang sama ng panahon at lalo pang lumakas bilang isang tropical cyclone sa loob ng susunod na tatlong araw.

Samantala, nagdulot naman ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang shear line at northeast monsoon o amihan sa ilang bahagi ng Northern Luzon at Palawan.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Cagayan, Batanes at Palawan.

Inaasahang hindi na makaaapekto sa bansa ang shear line at amihan pagsapit ng Biyernes, Nobyembre 27, dahil papalitan ang mga ito ng easterlies bilang pangunahing weather system sa buong kapuluan.

Dahil dito, generally fair weather ang inaasahan sa malaking bahagi ng bansa, na may bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, bagaman posible pa rin ang mga isolated rain showers at thunderstorms.

Samantala, itinaas na ng PAGASA ang gale warning matapos humina ang epekto ng amihan.

Gayunman, pinayuhan pa rin ang mga maglalayag na mag-ingat, partikular sa extreme Northern Luzon, kung saan maaaring umabot sa halos apat na metro ang taas ng mga alon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here