MANILA, Philippines – Tinapos na ng Senado nitong Sabado ang marathon deliberations sa panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027 matapos ang ilang araw na masusing debate sa plenaryo.
Sa inilabas na pahayag sa Facebook, sinabi ng Senado na natalakay at naisulong ang panukalang pondo ng mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang:
–Kongreso ng Pilipinas – P27.89 bilyon
–Hudikatura – P84.132 bilyon
–Department of National Defense – P326.9 bilyon
–Department of Health – P378.629 bilyon
–Department of Public Works and Highways – P587.9 bilyon
–Department of Agriculture – P175 bilyon
–Commission on Higher Education – P38.821 bilyon
–Department of Migrant Workers – P11.894 bilyon
Tinalakay rin ang mga pondong nakalaan sa mga tanggapan para sa kapayapaan, serbisyong panlipunan at kaunlarang panrehiyon.
Kabilang dito ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity na may P9.304 bilyon; National Commission on Indigenous Peoples, P1.738 bilyon; Marawi Compensation Board, P1.247 bilyon; National Amnesty Commission, P266.6 milyon; Commission on Filipinos Overseas, P187.8 milyon; at Metropolitan Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, and Tublay Development Authority, P45.4 milyon.
Kasama rin sa mga natalakay na panukalang pondo ng iba pang tanggapan ng ehekutibo ang:
–Department of Information and Communications Technology – P8.514 bilyon