Home ENTERTAINMENT Puwesto nina Luis at Jessy sa ABS-CBN station ID, kinuwestyon!

Puwesto nina Luis at Jessy sa ABS-CBN station ID, kinuwestyon!

2
0

Manila, Philippines – What’s in a position–as in puwesto? A lot!

Kinuwestyon kasi ng mga netizens ang puwesto ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Paano ba naman kasi, nasa harap ang couple alongside ng mga mas sikat pang network talents kesa sa kanila.

Viral nga ang video kung saan may nagtatanong kung bakit nasa harap ang mag-asawa sa halip na doon nakapuwesto dapat ang mga “real A-listers.”

Mababasa sa X account ang mga violent reactions ng mga netizens–may pulitika din ba within the network?

Tinatanong ng mga ito–kailan pa daw naging A lister si Luis?

Nakakahiya daw sa mga artistang mas matagal na sa istasyon, kundi man sa industriya.

Halimbawa na lang ang tipo ni Anne Curtis, na inilagay sa likod ng Manzano couple!

Dahil daw ba sa nilang ng mga programang nilalabasan ni Luis?

Eh, si Jessy daw ba’y may current TV project— mas sikat ba ito kesa kay Anne to be put in front?

Para sa maraming netizens, the ones who should be in front ay mga tulad nina Piolo Pascual at Regine Velasquez!

Puwede daw palampasin ang puwesto ni Luis, pero para ilagay si Jessy sa harap– “bakeeeet?!”

So, dapat paghiwalayin ang mag-asawa–ganoon ba? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here