Home ENTERTAINMENT Pokwang, wagi sa filmfest sa Argentina!

Pokwang, wagi sa filmfest sa Argentina!

2
0

Buenos Aires, Argentina – Nagwagi si Pokwang sa isang international film festival sa Argentina para sa kanyang ipinamalas na akting sa pelikulang 2 Valid IDs.

Pinagkalooban ang komedyana ng Special Mention in Acting sa ika-41 Mar del Plata International Film Festival.

Papel bilang Sylvia ang role ni Pokwang, isang mahirap na magsasaka na nag-aasikaso ng medical remittance para sa asawa.

Ang nasabing award ay bagong kategorya sa nasabing filmfest–with Pokwang as the first ever recipient.

The MDPIFF–which lasted for 10 days– opened on the first week of November.

Ginanap naman ang awarding rites sa Teatro Auditorium sa Mar del Plata.

Taong 1954 unang inilunsad ang nasabing filnfest, pero natigil ito mula 1967 hanggang 1969–at nagbalik the following year.

Natigil uli ito dahil sa mga kaganapan sa Argentina na may kinalaman sa pulitika.

Over the years, efforts to revive the filmfest proved futile, pero noong 1996 ay muli itong ibinalik.

Since then, may mga Pinoy-made films na ang kalahok dito.

Kamakailan, napaulat na sumampa na sa P115M ang kinita ng 2 Valid IDs sa mga sinehan.

Ipinalabas ito sa 22nd Cinemalaya Independent Film Festival nitong August kung saan nag-tie si Pokwang at si Ruby Ruiz para sa pelikulang Status: Rejected.

Congrats, Pokie! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here