Home METRO Ex Gov. Cayco, panalo sa special election sa pagka-kongresista sa Batanes

Ex Gov. Cayco, panalo sa special election sa pagka-kongresista sa Batanes

1
0

BATANES, Philippines – Idineklara na panalo ng Commission on Election o Comelec si dating Batanes Governor Marilou Cayco bilang bagong kinatawan ng Lone District ng Batanes matapos manguna sa isinagawang special election nitong Nobyembre 28, 2026.

Nakakuha si Cayco ng 3,542 boto na pinakamataas na bilang ng boto sa apat na kandidatong naglaban para sa congressional seat.

Kabilang sa mga nakatunggali niya sa halalan ay sina retired Philippine Navy Commodore Edward Like De Sagon, John Gato, na kamag-anak ng namayapang Congressman Ciriaco Gato Jr., at Luis Andres Abad, anak ni dating Budget Secretary Florencio Abad.

Batay sa naunang pagtataya ng COMELEC, nasa 2,700 hanggang 2,800 boto lamang ang maaaring maging sapat upang magwagi sa special election, mula sa kabuuang 13,138 registered voters sa nasabing probinsya.

Nagpaabot naman ng pagbati sa bagong kongresista ang ilan sa mga katunggali nito, habang nagpasalamat si Cayco sa mga Ivatan sa ipinagkaloob na tiwala at nanawagan ng pagkakaisa para sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.

Isinagawa ang nasabing special election upang mapunan ang puwesto sa Kongreso na nabakante matapos pumanaw si Congressman Gato Jr. noong Setyembre 21, 2026, kasunod ng atake sa puso.

Samantala, matagumpay at payaoang naidaos ang special election dahil sa mga inilatag na siguridad ng pamunuan ni Provincial Director PCol. George Cablarda ng Batanes Police Provincial Office o BPPO. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here