Home NATIONWIDE Abby nanawagan ng suporta sa buong Alyansa

Abby nanawagan ng suporta sa buong Alyansa

MANILA, Philippines – Nanawagan si senatorial candidate at Makati City Mayor Abby Binay sa mga Pilipino na suportahan ang buong slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa halalan sa susunod na buwan.

Sa isang press conference sa Dagupan noong Biyernes, sinabi ni Binay na hindi sapat na isa lang ang manalo, kailangan aniya ang buong Alyansa team sa Senado para maisulong nila ang tunay na reporma at maipatupad ang ipinangako nilang mga programa.

Aniya, kahit manalo siya kung ang mga kasama niya sa Senado ay hindi kapareho ng kanyang adbokasiya, hindi rin niya magagawa ang kanyang mga ipinaglalaban.

Dagdag niya, hindi puwede na solo-solo at kailangan ding aniyang ikampanya ang kanilang mga kasamahan upang maipatupad nila nang sama-sama ang nagkakaisa nilang plano para sa bayan at mga mamamayan.

Kasama ni Binay sa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sina Benhur Abalos, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, at Camille Villar. RNT