MANILA, Philippines – Kinondena ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang mga banta ni La Paz, Abra Mayor Joseph “JB” Bernos laban kay Romeo Gonzales, isang reporter ng DZRH, matapos magsulat si Gonzales tungkol sa isang insidente ng pamamaril sa lalawigan.
Inakusahan ni Bernos si Gonzales ng “irresponsible reporting” at nagbanta ng paghihiganti.
Ayon sa KBP, ang ganitong intimidasyon ay nagpapakita ng kultura ng impunidad at nagdudulot ng takot sa mga mamamahayag.
Hinihiling ng KBP ang aksyon mula sa PNP at mga iba pang ahensya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga media practitioners. RNT