Home HOME BANNER STORY Pinoys na ikinokonsiderang ‘pobre’ ang sarili, dumami pa

Pinoys na ikinokonsiderang ‘pobre’ ang sarili, dumami pa

MANILA, Philippines – Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), tumaas ang self-rated poverty o ang porsyento ng mga pamilyang nagbibilang sa sarili nilang “mahirap.”

Umabot ito sa 55% noong Abril, na mas mataas ng 3 puntos mula sa 52% noong Marso.

Ibig sabihin, tumaas ang bilang ng mga pamilyang ikinonsidera ang kanilang sarili na mahirap mula 14.4 milyon noong Marso, tungo sa 15.5 milyon noong Abril.

Bumaba naman ang porsyento ng mga pamilyang nagsasabing hindi sila mahirap mula 36% noong Marso, hanggang 32% noong Abril. Nakita rin ang pagtaas ng self-rated poverty sa Mindanao (70%), Visayas (67%), at Metro Manila (45%), habang ang Balance Luzon ay nagkaroon ng kaunting pagbaba.

Ang survey ay isinagawa mula Abril 11-15, 2025, at may margin of error na ±2.31%. RNT