Home METRO ABC prexy niratrat sa harap ni misis

ABC prexy niratrat sa harap ni misis

106
0

ZAMBOANGA DEL NORTE – SABOG ang bungo ng isang punong barangay at ABC president matapos barilin ng isa sa dalawang suspek sa harap mismo ng kanyang misis, noong Martes sa bayan ng Polanco.

Kinilala ang biktimang si PB Leopoldo Paler Atad, 52, ng Barangay Macleodes, Polanco.

Batay sa report ng Polanco Municipal Police Station, bandang 8:30 PM naganap ang krimen sa harap ng tindahan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan kasama ang misis ng dumating ang mga suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket at helmet sakay ng nakamotorsiklo.

Isa sa mga ito ang bumaba at walang babalang pinagbabaril ang biktima sa ulo at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek sa agaran pagdakip./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here