CEBU CITY – SA takot na patayin ng kanyang mga kasamahan, sumuko sa mga awtoridad ang isang kumander ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) na may 28 warrant of arrest noong Martes sa lungsod na ito.
Nagtungo sa himpilan ng Abellana Police Station 2, ang suspek na si Misael Atadero Dela Cruz, 57, taga Sitio Kakha, Barangay Talalak, Santa Catalina, Negros Oriental.
Batay sa report ng pulisya, bandang 8:30 AM sumuko sa nasabing himpilan si dela Cruz kasama ang kanyang misis.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Maria Theresa Macatangay, deputy city director for Operation Cebu City Police Office, mayroon 28 warrant of arrest si Dela Cruz sa iba’t ibang korte sa Negros Oriental, kabilang mga ilang mga kasong 3 bilang ng Rebellion sa RTC Branch 63 sa Bayawan City, Negros Oriental, Republic Act 9851 o Crimes Against International Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity), sa RTC Branch 64, Guihulngan City, Negros Oriental, 3 bilang ng kasong Murder na ipinalabas ng RTC Branch 63, Bayawan City at RTC Branch 64 Guihulngan City, 2 Frustrated Murder sa RTC Branch 64 Guihulngan, at RTC Branch 63 sa Bayawan City at iba pa.
Sinabi ng mga awtoridad na mas pinili ni dela Cruz sumuko sa Cebu City para sa kanyang kaligtasan.
Si dela Cruz ay nasa most wanted list person at may pabuya sa sinoman makapagturo sa pinagtataguan nito o makahuli./Mary Anne Sapico