Home NATIONWIDE Abogado ni Quiboloy nagsumite ng rejoinder affidavit sa DOJ

Abogado ni Quiboloy nagsumite ng rejoinder affidavit sa DOJ

195
0

MANILA, Philippines — Naghain ng rejoinder affidavit sa Department of Justice (DOJ) si Atty. Israelito Torreon, abogado ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy, kaugnay ng kasong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya ng Philippine National Police (PNP).

Ang reklamo ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Quiboloy sa loob ng KOJC compound noong panahon na pinamumunuan pa ni dating PNP chief Nicolas Torre ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 11.

Ayon kay Torreon, hindi umano nasunod ang mga rekisito ng Rule 113, Section 11 ng Rules of Court hinggil sa pagpasok ng mga pulis sa isang gusali o enclosure.

“Simply because of the fact when you apply Rule 113, Section 11, ‘yung magpasok ka ng building, enclosure ‘yun, kailangan ‘yung address nung warrant of arrest, specified, tapos kailangan may probable cause ka, sigurado ka,” ani Torreon.

Sa ilalim ng nasabing probisyon, maaaring pumasok ang law enforcers sa isang gusali kung saan naroon o pinaniniwalaang naroon ang isang aarestuhin, may warrant man o wala, kung sila ay tinanggihan ng pagpasok.

Tumanggi naman si Torreon na magbigay ng karagdagang detalye hinggil sa nilalaman ng kanyang rejoinder affidavit.

Noong nakaraang buwan, nagsumite rin siya ng counter-affidavit at iginiit na bilang legal counsel lamang ni Quiboloy, hindi siya dapat managot o kasuhan ng obstruction of justice. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here