Home HOME BANNER STORY Abono party-list president patay sa pamamaril

Abono party-list president patay sa pamamaril

CALASIAO, PANGASINAN- Pinagbabaril ang presidente ng Abono party-list habang pauwi sa bayang ito nitong Sabado ng gabi, Disyembre 7.

Minamaneho ni Ponciano Onia, Jr., 59, ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Barangay village pauwi sa kanyang tahanan sa Barangay San Leon, Umingan nang barilin siya ng hindi pa natukoy na gunmen sakay ng motorsiklo ng alas-7:45 ng gabi.

Nagtamo si Onia ng ilang tama ng bala at dinala sa Umingan Community Hospital subalit nasawi ng alas-8:40 gabi habang ginagamot.

Hindi naman natamaan ang dalawa niyang empleyado na kasama niya sa sasakyan nang maganap ang insidente,

Natagpuan ng mga pulis ang walong fired cartridges para sa caliber .45 na baril at dalawang jacketed deformed card bullets.

Tatakbo sana si Onia para sa re-election sa May 2025 polls. RNT/SA