Home NATIONWIDE ITCZ, shear line magpapaulan sa ilang lugar

ITCZ, shear line magpapaulan sa ilang lugar

208
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Mindanao at ang shear line na umiiral sa eastern sections ng Central at Southern Luzon ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon, at Aurora ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line. 

Makararanas naman sa Visayas, Mindanao, at Palawan ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Sinabi ng PAGASA na nakaamba sa mga sumusunod na lugar ang “moderate to heavy rains” na aabot ng 50-100 mm dahil sa ITCZ at shear line:

  • Quezon

  • Aurora

  • Camarines Norte

  • Camarines Sur

  • Catanduanes

  • Albay

  • Sorsogon

  • Marinduque

  • Oriental Mindoro

  • Palawan

  • Northern Samar

  • Eastern Samar

  • Dinagat Islands

Nakaaapekto naman ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern Luzon ngayong Lunes.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging “rough to very rough” sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Central at Southern Luzon.

Iiral naman sa natitirang bahagi ng Luzon ang “moderate to rough” coastal waters, habang ito ay magiging slight to moderate sa Visayas at Mindanao.

Sumikat ang araw ng alas-6:10 ng umaga at lulubog ng alas-5:27 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here