MANILA, Philippines – Umiskor si Mario Dela Cruz mula sa QTBA ng kabuuang 1,873 points upang masungkit ang korona sa Mixed Open Senior Masters Division at maiuwi ang tumataginting na P60,000 cash prize sa umiinit na bakbakan sa 1st Remate Open Championships na nilahukan ng mahigit 200 na bowlers mula sa iba’t ibang bowling associations noong Sabado ng gabi.
Nakuha ni Vener Reasonda (PTBA-Henrich) ang 1st runner up na karangalan na may P30,000 na premyo, habang si John Mendoza (PSB) ang idineklarang 2nd runner up winner ng kumpetisyon na may nakalaang P15,000 cash prize.
Naibulsa naman ni Mon Merino (PTBA) ang 4th runner up award, habang 5th runner up si Biboy Rivera (TBAM-AMBA).
Hindi rin nagpahuli ang muhuhusay na sina Jun De Guzman (SLETBA), Danny Tuazon (PSB), at Greg Wilson (DATBI) na sumungkit ng 6th, 7th, at 8th runners up, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Mula 4th hanggang 8th runners up ay may nakalaan ding kumikinang na cash prizes.
Ginaganap ang 1st Remate Open Championships sa pangunguna ni Remate Bowlers Club at Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda sa Playdium Bowling Center sa Araneta Avenue, Quezon City.
Ayon kay Antiporda, layunin niyang ma-unify o mapag-kaisa ang bowling community sa pamamagitan ng mga kumpetisyon at muling pasikatin at palakasin ang sports na bowling sa bansa.