KASABAY ng pagdiriwang ng International Firefighters day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist ang kanilang pakiusap sa Commission on Election (Comelec) na agarang ipasa ang resolusyon na nagbibigay sa kanila ng pagiging tunay at legal na kinatawan ng nasabing sektoral na grupo.
Ang unang nominado ng ABP na si Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia ay gumawa ng malakas na apela kay Comelec Chairman George Erwin dahil sinasabi nilang ang kanilang grupo ang lehitimong party list representative ng Ang Bumbero ng Pilipinas partylist No. 134 dahil sa katotohanang si Leninsky Bacud ang orihinal na nagtatag ng grupo.







