Home TOP STORIES Tarlac Mayor pinagpapaliwanag ng COA sa kuwestiyunableng pagbili ng P50M halaga ng...

Tarlac Mayor pinagpapaliwanag ng COA sa kuwestiyunableng pagbili ng P50M halaga ng gamot

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit si Tarlac Mayor Maria Cristina C. Angeles sa nadiskubreng iregularidad sa pagbili ng ₱50 million halalaga ng gamot at medical supplies na malinaw na paglabag sa procurement law.

Base sa COA- Fraud Audit Report No. 2025-003, ang LGU ay bumili ng ₱843,900 halaga ng gamot na hindi nakalista sa Philippine National Formulary (PNF) na paglabag sa Executive Order No. 49, s.1993 at DOH Administrative Order 2012-0023.

Isa pa sa nadiskubre ng COA ay nagkaroon agad ng full payment ng ₱50.8 million para sa medical, dental, at laboratory supplies bagamat kulang kulang at kuwestiyunable ang mga dokumento.

Lumitaw din na ang isa sa supplier ng na Theya Enterprises ay walang balidong business permit o Food and Drug Administration (FDA) license.

Lumabas din na naihanda na ang tseke na ₱33.85 million bago pa man ang disbursement vouchers.

Kinukuwestiyon din ng COA ang pagbili ng Tarlac City ng ₱91.8 million halaga ng school kits na ang pera na binayad ay hindi supplier ang tumanggap bagkus ay empleyado ng Tarla City Hall.

Dahil sa mga iregularidad ay inirekomenda ng COA ang pagsasampa ng kaukulang reklamo laban kay Angeles at sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na may kinalaman sa kanilang procurement.