Home NATIONWIDE ABS-CBN nagpasalamat sa pagsusulong ng kanilang prangkisa sa Kamara

ABS-CBN nagpasalamat sa pagsusulong ng kanilang prangkisa sa Kamara

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang ABS-CBN Corporation sa pagsusulong ng ilang mambabatas na mabigyan muli ang kumpanya ng legislative franchise.

Sa isang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na ikinalulugod nila ang naging hakbang ni Albay Rep. Joey Salceda na maghain ng panukala para mabigyan sila ng prangkisa at makapag-operate muli.

Matatandaan na hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN noong administrasyong Duterte kung saan 70 mambabatas ang bumoto laban sa muling pag-ooperate ng kumpanya habang 11 naman ang sumuporta na mabigyan sila ng prangkisa na tinuring na “Brave 11”.

Kabilang dito sina Sol Aragones, Christopher De Venecia, Carlos Zarate, Gabriel Bordado, Vilma Santos, Lianda Bolilia, Jose Tejada, Bienvenido Abante, Stella Quimbo, Mujiv Hataman at Edward Maceda.

Nasa 11,000 manggawa ang nawalan ng trabaho sa hindi pagrenew ng prangkisa ng kumpanya.

“While we were not aware of Rep. Joey Salceda’s filing of a bill to grant a broadcast franchise to ABS-CBN , we are deeply grateful for his support and belief in ABS-CBN’s contributions and mission to serve the Filipino public” nakasaad sa statement ng ABS CBN.

Nagpaabot din ng kanilang pasasalamat ang kumpanya sa mga nauna nang naghain ng kaparehas na panukala kabilang sina Reps. Gabriel Bordado Jr., Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Johnny Pimentel at Rufus Rodriguez. Gail Mendoza