Home NATIONWIDE ABSCBN walang kinalaman sa isyu ng mga Lopez

ABSCBN walang kinalaman sa isyu ng mga Lopez

134
0

MANILA, Philippines — Nilinaw ng multimedia giant na ABS-CBN na wala itong kinalaman sa umiiral na alitan sa loob ng pamilyang Lopez.

Ito ay kasunod ng mga ulat na kinasuhan ni Federico “Piki” Lopez ang kanyang mga pinsan, kabilang si ABS-CBN chairman emeritus Eugenio Lopez III, kaugnay ng umano’y pagtanggal sa kanya sa Lopez Inc.

Sa pahayag ng board of directors, itinanggi ang mga alegasyon ng “unresolved audit findings,” at sinabing walang ganitong isyu sa kumpanya.

Pinabulaanan din ng board ang ulat na ang planong capital infusion ay gagamitin para sa umano’y payouts ng ilang executives.

“Equally baseless” ang naturang claim, ayon sa pamunuan, at iginiit na walang payout na ginawa o planong gawin.

Binigyang-diin din ng ABS-CBN ang patuloy nitong pagbangon matapos mawalan ng prangkisa noong 2020.

“The last thing it needs is for its people to be misrepresented in a dispute it is not involved in,” ayon sa pahayag.

Sa kabila ng kontrobersiya, tiniyak ng kumpanya na nananatili itong nakatuon sa pagpapatuloy ng operasyon at paglilingkod sa publiko. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here