Home NATIONWIDE ACT sa DBM: PBB ng mga guro at empleyado, ibigay na!

ACT sa DBM: PBB ng mga guro at empleyado, ibigay na!

330
0

MANILA, Philippines – Dumulog ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa Department of Budget and Management (DBM) ngayong araw para sa agarang pagpapalabas ng 2023 Performance-Based Bonus (PBB) para sa mga guro at empleyado ng Department of Education (DepEd) at University of the Philippines (UP).

Ikinatuwa ng ACT ang positibong desisyon ng DBM na ibigay ang kanilang apela para sa muling pagsasaalang-alang ng PBB 2023 para sa mga guro at empleyado ng sektor.

Ang tagumpay na ito ay produkto ng patuloy na pagsisikap ng mga guro sa buong bansa na walang humpay na lumaban para sa mga benepisyong nararapat sa kanila.

“We salute our genuine representative in Congress for giving due attention to our appeal and actively joined us in our protest actions and dialogues with concerned agencies,” ani Quetua, tagapangulo ng ACT.

Gayunpaman, binanggit ng ACT na sa kabila ng pag-apruba ng DBM, mayroon pang ibang mga ahensya ng gobyerno na hindi pa nakakakumpleto ng implementasyon ng pag-sign-off, na lalong nagpaantala ng pagpapalabas nito.

Nanawagan ang ACT sa lahat ng ahensyang sangkot na agarang bilisan ang pagproseso at pagpapalabas ng bonus, lalo na’t patuloy ang sunud-sunod na kalamidad at lumalalang hirap sa ekonomiya sa mga guro at manggagawa ng gobyerno.

“Teachers and employees have consistently delivered on their mandates, substantially contributed to agency and institutional targets, and carried out their responsibilities with unwavering commitment despite mounting challenges. The PBB is not just a benefit, but a recognition of their sacrifices in ensuring the delivery of quality education under increasingly difficult conditions,” ayon kay Quetua. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here