Home HOME BANNER STORY ACT Theater sa Cubao, nasunog!

ACT Theater sa Cubao, nasunog!

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa ACT Theater sa Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 12.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 6:26 ng umaga at umabot sa unang alarma bandang 6:37 ng umaga.

Ang naturang gusali ay matatagpuan sa Aurora Boulevard corner EDSA sa Barangay Socorro, Quezon City.

Dahil dito ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa magkabilang lane ng EDSA at Aurora Boulevard ang naturang sunog. RNT/JGC