Home HOME BANNER STORY LCEs oobligahin ng DILG na magsumbong sa kahina-hinalang mga bagong POGO

LCEs oobligahin ng DILG na magsumbong sa kahina-hinalang mga bagong POGO

MANILA, Philippines – Oobligahin ni Interior Secretary Juanito Victor ”Jonvic” Remulla Jr. ang mga local chief executive na magpasa ng report kaugnay sa posibleng pagtatayo ng mga bagong POGO sa kabila ng total ban sa operasyon ng mga ito.

”Mag-i-issue po ang aming kagawaran ng isang EO sa lahat ng mga LCE na required silang magsubmit ng suspicious activities within their localities sa mga movement or possible set-up ng mga POGO,” sinabi ni Remulla sa isang press briefing nitong Miyerkules, Disyembre 11.

”Malalaman yan sa spike bigla ng bandwidth use, entry of suspicious people congregating in houses not registered as businesses, makikita ‘yan sa movement ng mga foreigners na gustong magset-up diyan pero di naman kilala,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Remulla na noong Setyembre, nasa 28 alkalde ang nasabihan tungkol sa kahina-hinalang operasyon ng POGO sa kanilang mga lugar.

”Ito po ay listahan galing PAGCOR, na inisyuhan ng license (This is a list from PAGCOR, they were issued with licenses) na under official records 28 local chief, LGUs were issued, have POGOs operating in their localities. So, they were trying to inspect, to make sure na walang nangyayari,” paliwanag pa ni Remulla.

Siniguro ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may sapat itong manpower at resources para ituloy ang pagtugis sa mga POGO operator.

”Tingin ko mayroon naman kaming sapat na resources and of course iyong mga personnel ‘no (I think we have enough resources and personnel) – we have the PNP and the National Bureau of Investigation, the Bureau of Immigration,” ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz.

”At saka hindi na ito kagaya noong mga niri-raid natin noong una na talagang isang malaking hub na libo-libo ang nakukuha natin ‘no, now we are looking at hundreds na lang of people and probably baka less than 50 na mga foreign nationals,” dagdag pa niya.

Noong Nobyembre, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 74 na nag-uutos sa ban sa mga POGO, internet gaming licenses, at iba pang offshore gaming operations sa bansa. RNT/JGC