Home NATIONWIDE Regulatory powers ng NFA pinababalik ng DA chief vs mataas na presyo...

Regulatory powers ng NFA pinababalik ng DA chief vs mataas na presyo ng bigas

MANILA, Philippines – Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel nitong Miyerkules, Disyembre 11 para ibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA) sa pagpapababa ng presyo ng bigas.

Ang tinutukoy ni Tiu Laurel ay ang kamakailang pagtapyas sa regulatory powers ng NFA dahil sa pagpasa ng Rice Tariffication law (RTL) noong 2019, na nagbabawal sa NFA sa pagbili, pagbebenta, at pag-aangkat ng bigas maging sa paglilimita ng mandato nito sa pangangasiwa ng buffer rice stocks.

Sa halip, pinapayagan ng RTL ang private entities na mag-import ng bigas nang walang limitasyon.

Ani Tiu Laurel, sa pagkakaroon ng authority ng NFA na mag-regulate, nabibigyan ito ng pagkakataon na magkaroon ng database sa rice traders, at masigurong makakapagitna ang NFA sa pag-import ng bigas kung kinakailangan.

“Well, number one, NFA dati lahat ng rice trader, kailangan naka register [sa NFA]. Ngayon, wala na eh. So kapag hindi sumunod sa usapan ang rice trader, dati, pwede tanggalan ng NFA ng license to operate,” anang Agriculture chief sa sidelines ng public hearing kaugnay sa pagpapababa ng presyo ng basic commodities, sa Kamara.

“Dati iyong NFA, iyong stock din ng bigas na binili locally, pwede niyang ibenta sa palengke. Ngayon, hindi. [Dati], pwede rin niyang ibenta sa LGU para maibenta ng mura [ng LGU sa mamimili]. Ngayon, hindi na rin pwede. Dati, pwede ‘yung NFA mag-import para i-address iyong kakulangan. Ngayon, hindi puwede. Kaya malaking bagay talaga na maibalik iyon,” dagdag ni Tiu Laurel.

Ngayong linggo ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-amyenda sa Rice Tariffication law na bahagyang nagbabalik sa mandato ng NFA na nagbibigay-pagkakataon sa ahensya na magbenta ng rice buffer stock nito sa Kadiwa ng Pangulo rice centers.

Sa pagdinig, sinabi ni Tiu Laurel na may pangangailangan na ibalik ang kapangyarihan ng NFA para mapababa ang presyo ng bigas Kahit na mayroon nang 48 tindahan na nagbebenta ng bigas na P40 kada kilo.

Target ng DA na palawakin pa ito sa 300 tindahan pagsapit ng Enero.

“This [P40 per kilo rice] will be [available] in public markets, not private markets. We cannot enter private markets, by the way. We can only enter public markets. If we could, we are targeting to bring it down further to P38, P39 per kilo by January. That would be a significant coverage [of stores with affordable rice],” sagot ni Tiu Laurel nang tanungin ni
House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ng ACT-CIS party-list kung saan pinapababa ng DA ang mga presyo ng bigas nito.

“We can lower the price further, but the problem is, we need Congress’ help to bring back the powers of NFA. As it is, NFA has no more power to produce more and make the farmers’ [source of livelihood] profitable. We don’t have the power to stabilize prices because the NFA only functions for buffer stocking.

“We cannot even sell our rice to the LGUs or to our own Kadiwa at a reasonable price. Because of this, at the moment and for the first time, we have almost six million bags of rice as buffer stock. If NFA had its previous powers, we could have sold it as low as P29, P30, P39 per kilo. But we can’t,” dagdag ni Tiu Laurel.

Suhestyon ni Tulfo, hilingin sa Pangulo na maglabas ang Executive Order para tugunan ang naturang mga isyu.

“We can’t wait for a law here. We might all be dead if we wait for such. Can we recommend to the President to issue an EO for you to release this six billion bags of rice? That would feed a lot of people,” sinabi ni Tulfo.

Bilang tugon, sinabi ni Tiu Laurel na ikokonsidera ng legal team ng DA ang rekomendasyon ni Tulfo. RNT/JGC