Home NATIONWIDE Colorum motorcycle taxis ‘wag tangkilikin – LTFRB

Colorum motorcycle taxis ‘wag tangkilikin – LTFRB

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na huwag tangkilikin ang mga colorum na motorcycle taxis, sa kabila ng sumbong na ang mga legitimate Motorcycle riders mula sa Transportation Network Companies (TNCs) ay nagpapatay ng kanilang aplikasyon kapag rush hour at nagbu-book sa labas ng app.

Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III sa panayam ng ABSCBN News na ang mga pasahero ng colorum na sasakyan o motorcycle taxi ay hindi sakop ng insurance sa oras na maaksidente.

“Pakiusap ho sa mga kababayan natin – number 1, pag nadisgrasya po kayo sa daan – wala ho kayong makukuha na any fee from the rider dahil hindi kayo insured. Ang insurance lang ho ng mga rider is on third-party liability. Ngayon ‘pag kayo naman po ay lehitimong pasahero po, meron hong insurance na makukuha from the TNC which is I think from P200,000 to P300,000 po,” ani Guadiz.

“So pakiusap ho, huwag na huwag ho kayong sasakay sa mga colorum, bukod sa iligal ito – ‘pag may nangyari sa inyo, wala hong sasagot sa inyo,” dagdag ng opisyal.

Aniya, ang mga rider na mapatutunayang guilty ay maaaring patawan ng hanggang anim na buwang suspensyon.

“Yes, may sanction po yan. Number 1, ‘pag hindi ka kumuha ng pasehero and then you refused to convey them, there is a P5,000 sanction for the rider for refusal to convey and possibly po may 6-months suspension,” paliwanag ni Guadiz.

Sinabi pa niya na mag-iisyu ng resolusyon ang
LTFRB Technical Working Group (TWG) para panagutin din ang mga TNC kaugnay nito.

“They would probably say that we cannot control them but to the mind of the TWG they should equally liable po, so for the punitive sanction po of P5,000 – our belief is that TNC should be equally liable also. So kung hindi makabayad si rider, it should be the TNC who should be liable for that,” ayon pa kay Guadiz. RNT/JGC