Home NATIONWIDE ACT, umalma sa DepEd sa kawalan ng konsultasyon sa 3-term school calendar

ACT, umalma sa DepEd sa kawalan ng konsultasyon sa 3-term school calendar

105
0

MANILA, Philippines – Isang lider ng Alliance of Concerned Teachers ang umalma sa Department of Education dahil umano sa hindi pagkonsulta sa kanila kaugnay ng planong paglipat mula quarterly patungong trimestral school calendar.

Sa pagdinig ng House committee on basic education na pinangunahan ni Pasig Rep. Roman Romulo, tinanong kung kinonsulta ng DepEd ang mga stakeholders sa planong ipatutupad sa School Year 2026–2027.

Ayon kay ACT chairperson Ruby Bernardo, wala silang natanggap na imbitasyon o abiso mula sa DepEd.

“Consultations are really important… Well, we were not consulted,” ani Bernardo, at iginiit na dapat malawak at komprehensibo ang konsultasyon upang maiwasan ang top-down na mga reporma.

Sa pagtatanong ni Romulo, kinumpirma ni Bernardo na wala silang natanggap na liham o paanyaya para sa anumang pulong tungkol sa panukalang trimester system.

“So you were not given any notice… There’s nothing like that? None?” tanong ni Romulo, na sinagot ni Bernardo ng oo, at idinagdag na sila pa ang lumapit sa DepEd para sa konsultasyon.

Ipinahayag ng ACT na maaaring magdulot ng dagdag na bigat sa mga guro ang biglaang pagbabago sa school calendar, lalo na’t kasabay din ng iba pang reporma sa K-12 system.

Ayon kay Bernardo, posibleng mas humaba ang oras ng trabaho at mas dumami ang adjustments sa curriculum at teaching materials, na babagsak sa mga guro.

“The abruptness of changes… teachers shoulder most of the adjustments’ effects,” aniya.

Sinabi naman ng DepEd na patuloy pang pinag-aaralan ang panukalang trimester system, habang nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-adopt ng trimestral calendar simula School Year 2026–2027 para sa public schools, habang ang pribadong paaralan ay bibigyan ng isang taong observation period. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here