Home METRO Adjusted class sched sa public school sa Caloocan, ipatutupad

Adjusted class sched sa public school sa Caloocan, ipatutupad

MANILA, Philippines – DALA ng matinding paglala ng heat index na nararanasan sa buwan ng Abril, ipatutupad na rin ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City ang adjusted class schedule sa mga pampublikong paaralan.

Sa inilabas na adjustment schedule ng lokal na pamahalaan, ang mga estudyante mula Kinder hanggang Senior High School ay kabilang sa naturang adjustment sa darating na Abril 8-12, 2024.

Ayon sa Caloocan Schools Divisions Office, ang mga pang-umaga ay kailangang pumasok sa face-to-face class mula 6am-11:30am ng Lunes, Martes, at Biyernes (6am-9am), habang asynchronous naman tuwing Miyerkules at Huwebes.

Paliwanag ng Division of City Schools na depende sa mga admi­nistrator o namumuno ng mga pribadong paaralan ang pagsususpinde ng klase sa kani-kanilang eskwelahan para tugunan ang epekto ng init sa kanilang mga mag-aaral.

Inilabas naman ng Caloocan LGU ang schedule ng klase simula sa Lunes, Abril 8 hanggang Abril 12 sa mga Daycare sa ilalim ng Early Childhood Care Development (ECCD).

Ang mga magulang ang kukuha ng mga aktibidad para sa kanilang mga anak sa mga daycare center.

Nagpaalala rin ang local na pamahalaan na iwasang lumabas ng bahay kung tirik ang araw at ugaliing uminom ng tubig. Merly Duero