Home NATIONWIDE ADMU naglabas ng pahayag ukol sa employment status ni Baldwin

ADMU naglabas ng pahayag ukol sa employment status ni Baldwin

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Ateneo de Manila University (ADMU) na si dating basketball coach Tab Baldwin ay consultant at hindi empleyado ng unibersidad mula pa noong 2016.

Inilabas ng ADMU ang pahayag matapos ang pagdinig ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isang training activity sa Aurora.

Ayon sa unibersidad, ang kasunduan nila kay Baldwin bilang independent contractor ay matagal nang umiiral at nakasaad sa mga nakasulat na kontrata. Iginiit din nilang hindi ito ginawa upang makaiwas sa pananagutan matapos ang trahedya.

Sa pagdinig, sinabi ng abogado ng ADMU na si Baldwin ay consultant na may kalayaang isagawa ang kanyang trabaho sa paraang naaayon sa kanyang pagpapasya.

Binigyang-diin ng ADMU na patuloy itong nakikipagtulungan sa mga imbestigasyon ng pamahalaan at sa legal na proseso.

Sinabi rin ng unibersidad na nananatili ang kanilang matinding pagdadalamhati sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili, at patuloy silang magsasagawa ng mga hakbang upang mapabuti ang mga patakaran at maiwasan ang kahalintulad na insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here