OBLIGADO ang mga kompanyang panghimpapawid na isama ang Advance Passenger Information System (APIS) sa kanilang sistema sa oras na maging matagumpay ang ‘phased implementation.’
Nauna rito, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang isang makabagong border security, APIS.
Ang APIS na kinikilala sa buong mundo na pinapayagan ang mga awtoridad na nagsagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating na makakatulong sa risk assesment at streamline immigration procedures.
Ang United Nations (UN) Office of Counter-Terrorism ang nag-sponsor sa the UN API goTravel software na ginamit sa nasabing proyekto.
“Once everything is smooth, lahat na po ng airlines ay ima-mandatory na po na magsagawa na rin po ng APIS,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Maakanyang.
Sa ulat, bilang bahagi ng unang implementasyon, sinimulan ito ng Cebu Pacific na siyang unang carrier na nag-integrate ang sistema ng APIS, at susunod ang Philippine Airlines at mga iba pang mga bilang bahagi ng trials at napatunayan na nakakatulong ito sa trend analyst at passenger risk assessment.
“As part of its phased implementation, the BI has begun pilot testing with major airlines, with Cebu Pacific becoming the first carrier to fully integrate its system with APIS,” ang sinabi ni Castro.
Tiniyak ni Castro na ang Philippine Airlines (PAL) at iba pang air carriers ay nakatakda namang sumunod, bilang bahagi ng nagpapatuloy na trials.
Ang BI ay nagsagawa rin ng matagumpay na connectivity test sa Interpol 24/7 data base at magpapatuloy ito kasama ang airline representatives, at ang United Nations Office of Counter-Terrorism (UNOCT) upang masiguro ang seamless integration at operational efficiency. Kris Jose