Home NATIONWIDE Advance Passenger Info System pinalawak ng BI

Advance Passenger Info System pinalawak ng BI

158
0

MANILA, Philippines – Pinalawak ng Bureau of Immigration (BI) ang Advance Passenger Information System (APIS) upang paigtingin ang seguridad sa mga paliparan sa pamamagitan ng mas maagang pag-screen ng mga biyahero bago pa sila dumating sa bansa.

Kamakailan, isang banyaga na may Interpol alert ang hinarang sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, bahagi ito ng layunin ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na magkaroon ng mas ligtas at mas maayos na Bagong Pilipinas.

Apat na airline ang kasalukuyang fully integrated sa APIS, kabilang ang Cebu Pacific at Philippine Airlines.

Nakipag-ugnayan na rin ang BI sa mga pangunahing stakeholders upang mapabilis ang ganap na implementasyon ng sistema. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here