Home HOME BANNER STORY AFP nakatutok sa relief efforts sa Mindanao; bagong destab rumor pinabulaanan

AFP nakatutok sa relief efforts sa Mindanao; bagong destab rumor pinabulaanan

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatuon ito sa paghahatid ng relief efforts sa mga komunidad na apektado ng magnitude 7.8 earthquake sa Mindanao.

Pinabulaanan naman nito ang report ng di umano’y panibagong destabilization plot laban sa sa administrasyong Marcos.

“Within the ranks of the Armed Forces of the Philippines, we remain to be a professional organization. Nandiyan ang strict adherence natin sa Constitution. Ang loyalty natin ay nasa ating watawat,” ang sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa isang panayam.

“Patuloy naming gagampanan ang aming misyon. Ang focus namin ay pagtulong sa ating mga kababayan lalo’t mayroon tayong kinakaharap ngayon na nitong nakaraang lindol at ‘yung patuloy nating pagbantay sa ating soberenya as we are being deployed in different areas, particularly in the West Philippine Sea,” aniya pa rin.

Napaulat kasi bago pa ang 128th Philippine Independence Day ay lumutang na may destab plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinabulaanan naman ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr., sabay sabing iniimbestigahan na nila ang bagay na ito.

Kaya nga nagbabala si Padilla sa publiko na alaming mabuti ang mga naka-post sa online, lalo na ang artificial intelligence-related posts, at hinikayat ang mga ito na magtiwala lamang sa mga official channels. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here