Home HOME BANNER STORY AFP papalag ‘pag may nag-alis sa BRP Sierra Madre

AFP papalag ‘pag may nag-alis sa BRP Sierra Madre

MANILA, Philippines – Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na papalag ito sa oras na alisin ng alinmang bansa ang BRP Sierra Madre mula sa kasalukuyan nitong posisyon sa Ayungin Shoal.

Sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, Agosto 12, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na sa oras na hilahin ng ibang bansa ang naturang barko sa West Philippine Sea, “Of course, we will resist.”

Sinabi rin ng opisyal na may susunding hakbang kapag nangyari ang naturang insidente.

“We have rules of engagement on what to do in situations like this. It may be an act already that may be considered as hostile. But I will leave it to the experts,” dagdag pa niya,

Matatandaan na noong Agosto 6 ay binomba ng Chinese Coast Guard gamit ang water cannon ang mga barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa BRP Sierra Madre.

Kinondena naman ng Australia, Japan, Canada, United Kingdom at European Union ang ginawang ito ng China. RNT/JGC