Home NATIONWIDE Proposed college subject sa disinformation, dapat pang busisiin – Escudero

Proposed college subject sa disinformation, dapat pang busisiin – Escudero

MANILA, Philippines – Kailangan pang mas pag-usapan ang panukalang subject sa kolehiyo na magtuturo sa mga estudyante kung paano labanan ang disimpormasyon.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero na bagama’t magandang suhestyon ang paglalagay ng Media and Information Literacy (MIL) against Disinformation subject sa tertiary level, hindi umano nararapat na madaliin ang paglalagay nito sa kasalukuyang curriculum.

“Para sa akin magandang suhestyon pero ‘wag naman sila agad maglagay ng karagdagang subject na naman sa curriculum. Hindi naman ganoon kadali ‘yun, at hindi naman lahat ay interesado diyan,” ani Escudero.

Inirekomenda ni Escudero na makilahok ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kampanya laban sa misinformation at disinformation.

“Ang siguro pwede kong imungkahi, dapat nilang isama ang DICT dahil lumalaganap mis- at disinformation sa iba’t-ibang social media platforms at hindi naman sa traditional media na kinagisnan natin na print, radio, at TV,” dagdag ng senador.

Ang MIL subject ay kasalukuyang itinuturo bilang core subject sa senior high school, bilang bahagi ng K-12 curriculum. RNT/JGC

Previous articlePlanong joint patrol sa WPS pag-aralang mabuti – Estrada
Next articleAFP papalag ‘pag may nag-alis sa BRP Sierra Madre