Home NATIONWIDE Planong joint patrol sa WPS pag-aralang mabuti – Estrada

Planong joint patrol sa WPS pag-aralang mabuti – Estrada

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na ang panukalang joint sea patrols sa West Philippine Sea kasama ang foreign allies ay dapat munang pag-aralang mabuti dahil maaari itong makapagbigay ng maling “signal” sa China.

Ayon kay Estrada, chairperson ng Senate committee on national defense and security, peace, unification, and reconciliation, aminado siyang hindi niya alam kung ano ang magiging implikasyon ng joint patrols.

“I do not know what the implications will be if there is a joint patrol with the ships of Australia, the United States, and our allies. I do not know the reaction China will make. That might be tantamount to a war. We have to study it [very carefully],” sinabi ni Estrada sa panayam ng DWIZ nitong Sabado, Agosto 12.

Ilang eksperto ang nagrekomenda na sa susunod na resupply mission sa BRP Sierra Madre, dapat magsama at magkaroon ng joint patrols kasama ang foreign allies upang masiguro na wala nang pag-atakeng magaganap laban sa mga barko ng
Philippine Coast Guard.

Matatandaan na noong Agosto 5 ay binomba ng Chinese Coast Guard gamit ang water cannon, ang mga barko ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal. RNT/JGC