MANILA, Philippines- Walang naitalang “untoward incidents” sa rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Huwebes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes.
Sinabi ng AFP na tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa regular rotation at reprovisioning ng mga suplay sa mga tauhang nakatalaga sa BRP Sierra Madre.
“There were no untoward incidents during the mission,” pahayag ng AFP.
“The AFP continues to uphold its mandate of safeguarding Philippine sovereignty and ensuring the welfare of its stationed personnel in the West Philippine Sea,” dagdag nito.
Hinaharang ng Chinese vessels ang Philippine ships sa resupply missions sa Ayungin Shoal.
Ang Ayungin Shoal ay isang submerged reef sa Spratly Islands. Matatagpuan ito 105 nautical miles sa kanluran ng Palawan at saklaw ng Philippines 200-mile exclusive economic zone (EEZ).
Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea (SCS), kabilang ang bahagi na tinutukoy ng Pilipinas bilang West Philippine Sea (WPS).
Noong 2016, pinaboran ng international arbitration tribunal sa Hague ang Pilipinas kung saan sinabi nitong ang pag-angkin ng China sa South China Sea ay “no legal basis.”
Patuloy naman ang pagbalewala ng China sa desisyon. RNT/SA