Home NATIONWIDE African national na may kasong kriminal sa Pilipinas, arestado sa NAIA

African national na may kasong kriminal sa Pilipinas, arestado sa NAIA

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang African national na may kasong kriminal na nakahain sa korte dito sa Pilipinas, nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport noong Enero 27.

Ang suspek ay nagawang makaalis ng bansa sa kabila ng hold departure order na inisyu sa kanya ng Paranaque City court noong 2020.

Sa pahayag nitong Sabado, Pebrero 1, sinabi ni
Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado na ang pugante ay kinilalang si Oscar Ogie Mbang na dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight mula Singapore.

Ani Viado, si Ogie Mbang, ay mamamayan ng Cameroon, na agad dinala sa kustodiya ng NAIA matapos na magkaroon ng hit ang pangalan nito sa automated derogatory check system ng ahensya.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang hit ay nagpapakita na si Ogie Mbang ay pasok sa blacklist at watchlist orders na inisyu ng BI noong Agosto 2019 matapos ang deportation complaint for undesirability na inihain laban sa kanya.

Dagdag pa, nakita rin sa rekord na may HDO na inisyu kay Ogie Mbang ng Parañaque City regional trial court (RTC) noong 2020 dahil sa fraud.

“We have no record of his departure and we suspect that he left the country via illegal means to evade criminal prosecution for his crime,” sinabi ni Viado.

Dadalhin si Ogie Mbang sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at nakatakdang harapin ang criminal at immigration violation cases na inihain laban sa kanya.

Kung mahahatulan, si Ogie Mbang ay haharap sa sentensya ng korte bago ipa-deport ng BI at hindi na papayagang makabalik ng Pilipinas. RNT/JGC