Home NATIONWIDE Aftershock sa M-7.4 na lindol lampas 600 na

Aftershock sa M-7.4 na lindol lampas 600 na

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 659 aftershock ang naitala sa magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Sinabi ng PHIVOLS na hanggang nitong alas-10 ng umaga, ang mga aftershock ay mula magnitude 1.4 hanggang 6.2.

“We will still be expecting aftershocks few days to few weeks after the main shock. Pero habang tumatagal naman, lumiliit ang number at bumaba ang magnitude,” sinabi ni PHIVOLCS director Teresito Bacolcol sa isang press conference.

Ipinunto niya rin na ang mga aftershock na ito ay hindi na magdudulot ng tsunami.

“Aftershocks are usually one degree lower than the main shock. The main shock is 7.4 [magnitude], we would expect around 6.4 [magnitude] earthquake. It’s not capable of generating a tsunami,” paliwanag niya. RNT/JGC

Previous articleUS binalaan ng Baghdad sa anumang pag-atake nito sa teritoryo ng Iraq
Next article2 magsasaka nagtagaan, patay