Home METRO 2 magsasaka nagtagaan, patay

2 magsasaka nagtagaan, patay

SAN FRANCISCO, Quezon- PATAY ang dalawang magsasaka matapos nag tagaan dahil umano sa away sa lupa, nitong Sabado, Disyembre 2 sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina George Hipgano at Leonido Tahup, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.

Batay sa report ng San Franciscon Municipal Police Station, bandang 7:00 PM nang maganap ang krimen sa bulubunduking bahagi ng Barangay Silongin ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen pinagbantaan umano ni Tahup si Hipgano na papatayin niya ito hanggang sa magkrus ang kanilang landas habang nagpapastol ng kanilang kalabaw.

Dito, kapwa bumunot ng kanilang itak ang dalawa ang nagtagaan na parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanilang agaran kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico

Previous articleAftershock sa M-7.4 na lindol lampas 600 na
Next article₱1.5M paputok nasamsam, suspek arestado