IRAQ – Nagbabala ang prime minister ng Iraq sa Washington nitong Sabado, Disyembre 2, ng anumang pag-atake na isasagawa nito sa Iraqi territory, matapos ang muling pagsiklab ng bakbakan sa Israel-Hamas war.
Ang babala na ito ni Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani ay kasabay ng phone call nito kasama si United States Secretary of State Antony Blinken.
Matatandaan na noong Nobyembre 22, sinapul ng US fighter jets ang dalawang target nito sa Iraq na kumitil sa buhay ng siyam na pro-Iran fighters.
Ilang oras bago rito, tinira ng warplane ang sasakyan ng Iran-backed fighters matapos na magpakawala ang mga ito ng short-range ballistic missile laban sa US.
Ang strike ay kasunod ng nasa 74 na beses na pag-atake sa mga pwersa ng US na nakatalaga sa Iraq at Syria, na iniuugnay umano sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Kasabay ng usapan nina Blinken, pinagbawalan ni Sudani ang anumang uri ng pag-atake sa teritoryo ng Iraq.
Sinabi rin ni Sudani na handa ang Iraqi government na “to ensuring the safety of the international coalition advisers present in Iraq”. RNT/JGC