Manila, Philippines- If daddy knows best, so do kids.
Kabisado na nga nina Atasha at Andres Muhlach kung anong ireregalo nila sa kanilang ama na tiyak na maa-appreciate nito.
The former matinee idol marked his 55th birthday nitong August 12.
Ilang araw bago ang kaarawan ni Aga ay natanggap na nito ang birthday present mula sa kambal nila ni Charlene Gonzales.
Tada…golf set!
The twins know well enough that their dad’s sport is golf.
With the kambals’ gift came a DIY or do it yourself birthday card that says: “We love you dad!”
Ipinost naman ni Aga sa Instagram reel ang: “Mabilis ‘tong dalawang ito! Not yet my birthday but gusto nilang mang-surprise. Love you both so very much!”
Sagot naman ni Charlene: “You’re the sweetest!”
Maging ang anak ni Aga kay Janice de Belen na si Luigi ay nagpaabot din ng pagbati.
Ang nakakatawa nga lang, sa halip na si Aga ang ma-excite while unboxing his gift ay ang Muhlach twins ang gumawa niyon.
Samantala, inuurutan ng mga netizens na gumawa ng isang reunion project sina Aga at Janice.
The former couple delighted their fans nang magkita sila sa lamay ng Regal Films matriarch na si Mother Lily.
Nakunan pa ng larawan ang mga magulang ni Luigi while sharing fun moments. Ronnie Carrasco III