Home NATIONWIDE Agarang humanitarian aid sa Gaza ipinanawagan ng Santo Papa

Agarang humanitarian aid sa Gaza ipinanawagan ng Santo Papa

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pope Francis ng humanitarian aid na agarang makarating sa mga Palestinian sa Gaza at agad na tanggapin ng Israel at Hamas ang mga panukala para sa tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bihag.

Pinasalamatan din ni Francis sa kanyang Sunday noon blessing ang Jorldan, na ngayong linggo ay magho-host ng isang international humanitarian aid conference para sa mga Palestinian.

“I encourage the international community to act urgently, with all means, to come to the aid of the people of Gaza, worn out by the war,” sabi ng papa. “Humanitarian aid must be allowed to reach those in need, and no one can impede it.”

Inalala ni Francis na noong Sabado ay minarkahan ang 10-taong anibersaryo ng isang panalanging pangkapayapaan na idinaos niya sa Vatican garden, na dinaluhan ng noon-Israeli President Shimon Peres at Palestinian leader Mahmoud Abbas.

Ibinigay ni Francis ang kanyang suporta para sa panukalang tigil-putokan at sinabi na umaasa siya na ito ay madaling natanggap ng magkabilang panigkahit na kinikilala niya na ang mga negosasyon ay “hindi madali.”

“I hope that the peace proposals on all fronts that have been presented and for the release of hostages will be accepted immediately for the sake of the Palestinians and Israelis,” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)