Home NATIONWIDE ‘Bagong Pilipinas’ hymn ‘di ni-recite ng Senado sa flag ceremony

‘Bagong Pilipinas’ hymn ‘di ni-recite ng Senado sa flag ceremony

Oplus_0

MANILA – Nilaktawan ng Senado ng Pilipinas ang pag-recite ng Bagong Pilipinas Hymn and Pledge sa flag ceremony ngayong Lunes, ang una sa ilalim ni Senate President Francis Escudero.

Sinabi ni Escudero na ang memorandum circular ng gobyerno ay applicable lamang sa executive branch at hindi awtomatikong sumasaklaw sa Senado, House of Representatives, Supreme Court at iba pang constitutional commissions.

(c) Cesar Morales

“Independent ang desisyon nila kung gagamitin nila yan dahil ang sinusunod namin ay yung Flag and Heraldic Code na nagsasabi kung ano yung kakantahin kada flag raising ceremony,” paliwanag ni Escudero sa reporters.

Ngunit sinabi ni Escudero na walang masama kung gagamitin nila ang hymn at pledge, na tumutukoy sa pag-asa, pagtutulungan at pag-unlad.

Bunsod nito, inatasan ng hepe ng Senado ang kanilang Secretariat na pag-aralan ang usapin dahil ito ang unang pagkakataon na magagawa ito ng kamara dahil walang Senado kung kailan kinakailangan ang katulad na pangako para sa “Bagong Lipunan” noong unang Administrasyong Marcos.

“Hindi ako tutol doon dahil wala namang personalidad o pangalang binabanggit na pinapaboran at tulad ng sinabi kong magandang paalala ito sa amin at paalala din ito sa ating mga kababayan na ito’y listahan na pwede niyong singilin sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.” ani Escudero.

Sinabi pa ni Escudero na maaaring masakop ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Department of Education, Commission on Higher Education at State Universities and Colleges.

Gayunpaman, kapwa nanindigan sina Escudero at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na ang paggawa ng Bagong Pilipinas hymn at pledge na mandatory para sa lahat, maging sa pribadong sektor, ay mangangailangan ng mga amendment sa umiiral na Flag and Heraldic Code. RNT