Home NATIONWIDE Agarang pagpasa ng panukalang 2025 budget hangad ni PBBM

Agarang pagpasa ng panukalang 2025 budget hangad ni PBBM

MANILA, Philippines – SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang pagpapasa ng House Bill No. 10800 o 2025 General Appropriation Act (GAA) ng Senate of the Philippines.

Sa isang liham na naka-addressed kay Senate President Francis Escudero, may petsang October 29, sinertipikahan ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng pagsasabatas ng GAA, na magpo-provide para sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa 2025.

Ito ay “to ensure the uninterrupted operation of critical government functions, guarantee the allocation of fiscal resources for vital initiatives, and enable the government to adeptly respond to emerging challenges.”

Ipinaabot din ang mensahe kay House Speaker Martin Romualdez.

Ang panukalang 2024 national budget ay 9.5% mas mataas kumpara sa P5.268 trillion ngayong taon.

Ang batas na naglalaman ng national budget ay dapat na aprubado at nilagdaan ng Pangulo bago pa magtapos ang fiscal year para maiwasan ang reenacted budget para sa susunod na taon.

Inaprubahan naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P6.352-trillion budget para sa 2025 sa pangatlo at pinal na pagbasa noong Setyembre 25.

May 285 mambabatas ang bumoto pabor sa House Bill No. 10800, habang tatlo naman ang bumoto kontra rito.

Ang pag-apruba ay ginawa ng DBM matapos na isertipika ni Pangulong Marcos na urgent ang nasabing batas.

Ang pagsusumite ay nangyari habang ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 bunsod ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami). Kris Jose