Home NATIONWIDE Agarang tulong sa mga apektadong Pinoy ng Israel-Iran conflict ipinag-utos ni PBBM

Agarang tulong sa mga apektadong Pinoy ng Israel-Iran conflict ipinag-utos ni PBBM

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na apektado ng pinakahuling Israel-Iran missile strikes.

“Ang direktiba ng Pangulo sa DFA, DMW at OWWA ay bilisan ang tulong sa ating mga kababayan. No one is left behind. ‘Yun ang tagubilin ng Pangulong Marcos Jr,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

Dagdag pa niya, inatasan ang DMW at OWWA na siguruhin ang kaligtasan ng mga OFW na apektado ng tensyon sa Middle East.

Sinabi rin ni Castro na naka-heightened alert ang mga concerned agency at handang magbigay ng tulong sa mga OFW sa Israel at Iran.

May contingency plan din aniya ang DFA kung kinakailangan ang repatriation mula Iran.

Samantala, nagpadala na ang pamahalaan ng team sa Israel para siguruhin ang kaligtasan ng mga OFW.

Matatandaan na sa huling ulat ay may anim na Filipino ang nasaktan sa missile attacks ng Iran sa Israel.

Mayroon namang 14 Filipino ang kinukupkop ng pamahalaan sa Rehovot. RNT/JGC