MANILA, Philippines -Sa kabila ng mga kontobersiya at pampulitikang ingay, nanatiling nagampanan ng Kamara ang tungkulin nito, sa katunayan ay nalampasan pa nito ang target agenda ng Marcos administration, ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos.
Sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino Dy III sinabi ni Rep Marcos na mataas ang performance ng Kamara kung saan tinutukan ang mga panukala na mapagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Naaprubahan ng Kamara ang 229 na panukala sa unangFirst Regular Session, kabilang ang 66 national bills at 163 local bills, habang nakompleto rin ang aksyon sa 26 sa 52 priority proposals na inendorso ng LEDAC.
“And I think the fact that we’re ahead of schedule would say that I am satisfied with what’s been happening in the Lower House as of late and with the legislative performance,” ani Marcos sa panayam ng mga mamamahayag.
Naitransmit na ng Kamara sa Senado ang mahigit 160 panukala, kabilang ang mga panukala ukol sa land use, digital payments, water governance, edukasyon, enerhiya, nutrisyon, at social protection.
Ipinaliwanag ni Marcos na ang legislative output ang pinabatayan kung epektibong napangasiwaan ng isang majority leader ang gawain sa loob ng Kamara.
“The measure of performance of any majority leader is the legislative output of the House that it is elected in,” giit ni Marcos.
Ipinakita rin ng rekord ng Kamara na ang mga alitan sa pulitika ay hindi naging hadlang para sa mga komite at sa plenaryo na maiproseso ang mga panukalang kasama sa legislative program ng Pangulo.
“I think it speaks volumes that besides despite the political noise that we’ve been experiencing in the last few months, if not longer Congress has still been able to exercise its functions as a legislative body at magdala po ng batas na makakatulong sa taong bayan,” depensa nito.
Nangako si Marcos na ipagpapatuloy ng Kamara ang momentum mula sa unang sesyon upang tapusin ang mga natitirang prayoridad ng administrasyon sa mga darating na buwan kung saan tiniyak nito na maipapasa pa bagpo matapos ang 20th Congress ang iba opang LEDAC priority bills. Gail Mendoza