MANILA, Philippines – Pinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) kasama ang CIDG ang isang recruitment agency sa Cubao, Quezon City matapos itong mahuling nag-aalok ng trabaho sa Greece, Hong Kong, at Qatar kahit walang lisensya.
Ayon sa DMW, humingi umano ang ahensya ng higit P300,000 para sa trabaho sa Greece at hanggang P35,000 para sa Hong Kong. Tatlong tauhan ng ahensya ang nahuli ngunit itinanggi ang alegasyon.
Patuloy na iniimbestigahan ng DMW at CIDG kung ilan ang naipadala na sa ibang bansa, at tutulungan ang mga OFW sa pag-aayos ng kanilang dokumento at sa pagsampa ng reklamo. RNT/MND