Home METRO 4 nalambat sa drug ops sa Bataan

4 nalambat sa drug ops sa Bataan

221
0

BATAAN, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang apat (4) na drug suspek matapos masakote sa ikinasang patibong (Buybust) makaraang maaktuhan umanong magkakasabwat ang mga ito sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa undercover police nitong biyernes ng hapon sa Barangay New San Jose, Dinalupihan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr.

Sapul ang target sa operasyon na si alyas “Mon”, 56 anyos at tatlo pang kasabwat nito na pawang mga nasa wastong gulang at kapwa residente sa naturang lugar.

Nagulantang ang mga suspek na undercover police police pala ang kanilang ka-transaksiyon.

Narekober sa mga suspek ang tatlong pakete ng suspected shabu na itinago umano sa kaha ng sigarilyo na may timbang na 15 grams at standard drug price na P102,000, drug paraphernalia, cellphone na ginamit sa pakipag-transaksiyon at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here